^

Bansa

Price freeze sa Luzon hanggang Enero 17 pa – DTI

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Price freeze sa Luzon hanggang Enero 17 pa � DTI
Ginawa ni DTI Undersecretary Ruth Castelo ang paalala sa gitna nang pagdagsa ng mga mamimili sa mga groceries at palengke para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at nalalapit na Bagong Taon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling ipinaalala ng Department of Trade and Industy (DTI) na hindi maaaring magtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin sa buong Luzon hanggang Enero 17.

Ginawa ni DTI Undersecretary Ruth Castelo ang paalala sa gitna nang pagdagsa ng mga mamimili sa mga groceries at palengke para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at nalalapit na Bagong Taon.

“Ang buong Luzon po ay under a state of cala­mity pa so naka-price freeze iyan simula nung diniclare [declared] ni Presidente nang November 18 hanggang January 17, kasi 60 days iyong effectivity ng price freeze,” sabi ni Castelo sa Laging Handa press briefing.

Sinabi rin ni Castelo na mahigpit na naka-monitor ang DTI sa pagpapatupad ng suggested retail price at nagpapadala agad sila ng letters of inquiry sa mga nakikitaan nang paglabag.

“Initially po, iyong suggested retail price natin, kabisado na ng retailers iyan, groceries and supermarkets especially na hindi sila nagtataas. But kapag nakakita tayo sa DTI because we monitor naman every day, we issue letters of inquiry. Inaalam natin muna kung bakit, at ibabalik naman nila iyon sa SRP,” ani Castello.

Kapag hindi aniya ibinalik ang presyo ay saka naghahain ng kaso ang DTI sa ilalim ng Price Act na may multang mula 5,000 hanggang P2 milyon at kulong na mula lima hanggang 15 taon.

vuukle comment

DTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with