^
âKainin nâyo yan, may pera yanâ
“Kainin n’yo ‘yan dahil yan ay may pera,” pahayag umano ng Pangulo Rodrigo Duterte.
Simeon Celi Jr./Presidential Photo, File

‘Kainin n’yo yan, may pera yan’

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2020 - 12:00am

Duterte sa BI officers sa ‘pastillas’ scheme

MANILA, Philippines — Ipinatawag ni Pangu­long Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi sa Malacañang ang nasa 40 opisyal ng Bureau of Immigration na sabit sa “pastillas” bribery scandal at muntik nang pakainin ng pastillas na may lamang pera.

“Kainin n’yo ‘yan dahil yan ay may pera,” pahayag umano ng Pangulo.

Pero sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman pinilit ng Pangulo ang mga opisyal na kainin ang pera dahil naroon din si Justice Secretary Me-nardo Guevarra na unang nagparating sa media sa nangyaring meeting.

Sinabi ni Roque na base sa nakalap niyang impormasyon, kalma lamang ang Pangulo nang pumasok sa kuwarto kung saan isinagawa ang meeting at pagkatapos ay inutusan ang isang aide na ilabas ang isang box na kulay pula at pinabigyan isa-isa ng pastillas na may pera ang mga sangkot sa bribery.

Bukod sa pagbibigay ng pastillas na may pera, pinangaralan din ng Pangulo ang mga ipinatawag na mga empleyado at opisyal.

Sinabi rin ni Roque na bagaman at hindi pinilit ni Duterte na kainin ng mga opisyal ang mga ipina­migay na pastillas maliwanag aniya na simbolo ng galit ng Pangulo ang ginawa nitong pamimigay ng pastillas na may pera sa mga BI officials.

“I think the message has been received, kasi not a single person out of the 40 individuals there uttered even a single word,” ani Roque.

Wala raw kahit isang taga-BI ng nangtangka na buksan ang pastillas kaya hindi alam kung magkano ang nakalagay na pera.

“Hinawakan lang nilang lahat, that is why we will not know kung magkano,” ani Roque.

Nagbiro pa si Roque na titingnan niya kung may natira pa sa mga ipina­migay ng Pangulo upang makita kung magkano ang perang laman ng pastillas.

Naroon din sa nasabing meeting sina Sen. Christopher “Bong” Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, Immigration Commissioner Jaime Morente at National Bureau of Investigation Director Eric Distor.

Nabunyag sa Senado ang “pastillas” bribery kung saan binibigyan ang BI personnel sa airport ng pera na nakabalot sa puting papel na katulad ng pastillas, kapalit sa pagpapapasok sa bansa ng mga Chinese national.

Inilagay na ng Ombudsman sa anim na buwang preventive suspension ang mga sangkot na opisyal.

PASTILLAS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with