^

Bansa

Barangay chairman itinumba sa quarantine checkpoint

Raymund Catindig, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines—  Isang barangay chairman ang nasawi matapos pagbabarilin sa isang checkpoint sa lalawigan ng Cagayan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng  Camalaniugan PNP ang nasawing biktima na si Barangay Captain Eranio Caleda, 46, ng Barangay Julian Olivas, Camalaniugan, Cagayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni P/MSgt Robin Aloba, ng Calamaniugan PNP, inaayos ni Chairman Caleda ang electrical wiring ng isang generator sa quarantine checkpoint sa kanilang barangay kasama ang isa pang residente, para sana may magamit na ilaw matapos ang brownout sa lugar, nang biglang sumulpot ang suspek sakay ng isang motorsiklo.

Agad bumaba sa kanyang motorsiklo ang suspek na nagtungo sa kinaroroonan ng biktima at pinagbabaril ang kapitan.

Mabilis isinugod sa Grupo Medico De Dios Hospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay dahil sa mga tinamong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Isa ang suliranin sa pamamahagi ng ayudang kaloob ng Department of Social Welfare and Development sa tinitingnang anggulo sa pagtumba sa Kapitan.

vuukle comment

ERANIO CALEDA

PNP

ROBIN ALOBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with