Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na magpapatupad pa rin sila ng “triage” o uunahin ang mas na­ngangailangan ng ‘tes­ting’ buhat sa malaking bilang ng pasyente.
Boy Santos/FIle
Mass testing sa PUIs, PUMs sisimulan sa Abril 14
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sisimulan na ang mass testing ng coronavirus sa bansa sa Abril 14, 2020.

Pero nilinaw kahapon ng Department of Health (DOH) na hindi para sa lahat ang inihayag nilang COVID mass testing kundi para lang muna sa mga Persons Under Investigation (PUIs) at Persons Under Monitoring (PUMs).

Sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na magpapatupad pa rin sila ng “triage” o uunahin ang mas na­ngangailangan ng ‘tes­ting’ buhat sa malaking bilang ng pasyente.

Kapag magpositibo sa pagsusuri, agad na ilalagay ang pasyente sa ‘community quarantine’ para tuluyang maihiwalay na sa publiko at hindi makahawa.

Kasalukuyang abala ngayon ang pamahalaan sa pagtatapos sa mga paghahanda sa mga ‘community quarantine facilities’ kabilang ang Rizal Memorial Coliseum, PhilSports Arena, PICC, Cultural Center of the Philippines, World Trade Center at iba pa.

Lahat ng itatayong mga ‘quarantine facilities’ ay may air-conditioning unit, may libreng wi-fi connection at libre ang pagkain habang palagiang nakaantabay ang mga naka-duty na mga health workers.

Sa kasalukuyan, na­kapagtala ang DOH ng 6,002 PUIs at 6,331 PUMs bukod pa rito ang mga hindi naisusumiteng datos ng mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.

PUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with