Binigyan ng DOH ang mga bagong nagpositibo ng patient number PH1,076-PH1,418.
Michael Varcas/ File
DOH: 1,418 positibo, 71 nasawi sa COVID
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Nadagdagan pa ng 343 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sanhi para umakyat ito sa 1,418 habang nasa 71 na ang nasasawi.

Binigyan ng DOH ang mga bagong nagpositibo ng patient number PH1,076-PH1,418.

Samantala, tatlong senior citizens ang tuluyang nabigo sa pakikipaglaban sa sakit at nasawi.

Sila ay sina PH859 na isang 70-anyos na Filipino mula sa Quezon City, PH900 na 71-anyos na Filipino mula sa Iloilo at PH718 na 78-anyos na Filipino mula sa Maynila.

Sa kabila nito, gumanda naman ang datos ng mga nakakarekober na pasyente nang pito ang tuluyang gumaling.

Kabilang sa kanila si PH204 na 32-anyos Filipino na taga-Makati City; PH358 na 35-anyos na Filipino mula sa QC; PH135 na isang 13-anyos na Filipino mula sa QC; PH122 na isang 41-anyos na Filipino buhat sa Tarlac; PH114 na isang 35-anyos na taga-Caloocan City; PH109 na isang 44-anyos na Filipino mula sa Pasig City; at PH88 na isang 33-anyos na Filipino galing sa San Juan City.

Muling ipinaliwanag ng DOH na ang pagtaas sa bilang ay dahil sa mas mabilis na ngayon ang proseso ng kanilang testing dahil sa mas mataas na kapabilidad ng mga laboratoryo kung saan marami na sa mga backlog ang kanilang natugunan.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with