^

Bansa

Bulacan mayor positibo sa ‘corona’

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Umakyat na sa lima ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan matapos makumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na nagpositibo si Baliwag Mayor Ferdie Estrella sa nasabing virus.

Sinabi ni Mayor Estrella na may karapatan ang kanyang mga kababayan sa tunay niyang kalagayan at hindi niya dapat itago o ikahiya ang kanyang tunay na sakit sa kanyang mga nasasakupan.

Sa kanyang Facebook post, inamin ni Estrella, nakaramdam siya ng panghihina ng katawan at sinabayan pa ng ubo at sipon kaya agad siyang nagpatingin.

Sa kasalukuyan ay ayos na naman umano ang kalagayan ng alkalde at nagpapalakas na lamang at nagpapagaling sa ospital.

Hindi na nagbigay na detalye si Estrella kung kanino siya nahawa ng COVID-19.

Si Estrella ang pang-lima sa mga naitalang may kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Nauna na rito ang dalawa mula sa siyudad ng San Jose del Monte, isa sa Guiguinto at isa sa Malolos.

FERDIE ESTRELLA

RITM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with