^

Bansa

Elon Musk interesado sa Pinas, 2 isla ide-develop

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Elon Musk interesado sa Pinas, 2 isla ide-develop
Elon Musk speaks during the annual Conservative Political Action Conference (CPAC) at the Gaylord National Resort & Convention Center at National Harbor in Oxon Hill, Maryland, on February 20, 2025.
AFP / Saul Loeb

MANILA, Philippines — Inihayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na may plano umanong i-develop ng bilyonaryong si Elon Musk ang isa o dalawang isla sa Pilipinas matapos magpakita ng matinding interes sa bansa.

Sa panayam ng ANC Headstart nitong ­Huwebes, sinabi ni Romualdez na malaki ang ­paghanga ni Musk sa Pilipinas at kapansin-pansin ang kaalaman nito tungkol sa bansa nang sila ay mag-usap.

“He loves the Philippines. That’s what I ­gathered,” ani Romualdez.

Ayon sa envoy, madalas umanong bumisita nang hindi ipinapaalam sa publiko si Musk sa Pilipinas at may isa o dalawang isla itong planong paunlarin. Gayunman, hindi nito tinukoy ang lokasyon at detalye ng mga sinasabing proyekto.

Kinumpirma rin ni Romualdez na dumating si Musk sakay ng pribadong eroplano bandang alas-11:30 ng umaga nitong Miyerkules, ngunit hindi ito nakibahagi sa mga opisyal na aktibidad ni US President Donald Trump sa Maynila. Naghintay umano ito sa paliparan bago sumama sa paglipad ng pangulo patungong China.

May negosyo na rin sa bansa si Musk sa pamamagitan ng Starlink, ang satellite internet service ng SpaceX.

Umaasa naman si Romualdez na ang interes ng bilyonaryo sa Pilipinas ay magbubukas ng oportunidad para sa mas maraming pamumuhunan mula sa Estados Unidos. 

ELON MUSK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with