^

Bansa

Whistleblower protection bill itinulak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para patuloy pa na mahikayat ang publiko na tumestigo at ibunyag ang mga katiwalian at korupsyon sa gobyerno, isinusulong sa Kamara na bigyan ng proteksyon ang mga “whistleblowers”.

Ayon kay Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, ngayon na ang tamang panahon para ipasa ang whistleblower protection bills matapos na mabunyag ang drug recycling activities kung saan sangkot ang ilang pulis.

Paliwanag ni Fortun, nabunyag ang “ninja cops” schemes matapos isiwalat ni dating PNP-CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Subalit wala uma­nong batas sa bansa na magpoprotekta sa mga whistleblower na tulad ni Magalong.

Kung mayroon uma­nong batas para magprotekta sa mga magbubunyag ng katiwalian hindi lang sa PNP subalit sa iba pang ahensiya ng gobyerno ay tiyak na mas marami pang handang lumantad at tumestigo.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng absolute confidentiality at tagabantay ang isang whistleblower laban sa anumang posibleng pagganti sa kanila kaya kailangan silang protektahan ng gobyerno.

vuukle comment

WHISTLE BLOWER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with