Itinuturo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong si Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde habang nagsasalita sa pagdinig ng Senado hinggil sa gulo sa Good Conduct Time Allowance law at Ninja cops. Tinawag ni Magalong si Albayalde na sinungaling at walang ginawa kundi itanggi ang papel nito sa recycling ng nakukumpiskang droga.
Kuha ni Geremy Pintol
Albayalde idiniin sa ‘agaw-bato’
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

May nakuhang ‘konti’

MANILA, Philippines – Idiniin kahapon ng isang retiradong heneral si Philippine National Police Chief Gen. Oscar Albayalde sa kontro­bersiyal na buy-bust ope­ration sa Pampanga na nangyari noong 2013.

Humarap sa pagdi­nig ng Senate committees on justice and human rights at blue ribbon tungkol sa “ninja cops” si retired General Rudy Lacadin na nagsilbing deputy for operation ng Criminal Investigation and Detection Group noong panahon ni da­ting CIDG chief at nga­yon ay Baguio City Ma­yor Benjamin Magalong.

Isinalaysay ni Ma­galong na noong atasan siya ni dating PNP chief Cesar Purisima na imbestigahan ang isang illegal drug operation sa Pampanga matapos mapabalita na biglang nagbilihan ng mga SUVs ang mga opis­yal na nagsagawa ng operasyon, tinawagan agad niya si Lacadin na kanyang deputy officer at malawak ang network sa Region 3.

Sa salaysay naman ni Lacadin sinabi nito na ang kanilang im­bestigasyon ay isang “validation” sa naganap na operasyon ng grupo ni Major Rodney Raymundo Baloyo IV, isa sa 13 opisyal na inaakusahan ngayong “ninja cops.”

Sinabi pa ni Lacadin na kaibigan niya si Albayalde na minsan ay naging business partner nito sa alkaline water business.

Ayon pa kay Lacadin, tinawagan siya ni Albayalde habang isinasagawa ang imbestigasyon bagaman at hindi na niya maalala kung ito pa ang provincial director ng Pampanga nang mag-usap sila.

Sinabihan ni Lacadin si Albayalde na hindi niya maaring sabihin na nagsasagawa nga sila ng imbestigasyon pero sinabihan din niya ito na walang dapat katakutan kung walang itinatago.

Bagaman at hindi tiyak kung nagbibiro, sinabi umano ni Alba­yalde na konti lamang ang napunta sa kanya sa iniimbestigahan ni Lacadin na illegal drug operation.

Agad namang kinontra ni Albayalde ang sinabi ni Lacadin at kinuwestyon kung bakit tumagal ng anim na taon bago lumabas ang nasabing impormasyon.

Nauna rito, sa pagsisimula nang pagdinig, pinanindigan ni Albayalde na kung sabit siya sa nasabing kontrobersiyal na buy-bust operation, dapat ay nasampahan siya hindi man ng kasong kriminal ay admi­nistratibo.

 

ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with