^

Bansa

Reporma ni Digong ‘wag hadlangan

Pilipino Star Ngayon

Solons kina Lacson, Drilon

MANILA, Philippines — Hadlang umano sa mga repormang nais ipatupad ni Pangulong Duterte ang mga pagbatikos ng walang basehan nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Sen. Panfilo Lacson sa ipinasa ng Kamara na national budget para sa 2020. 

Ayon kay Deputy Speaker Henry Oaminal na kinatawan ng 2nd district, Misamis Occidental, may panahon naman para kilatisin ng Senado ang 2020 budget na ipinasa ng Kamara, kaya’t hindi dapat na magsabi ng kung anu-anong pahayag sina Lacson at Drilon na hindi naman nila kayang patunayan. 

“Hindi pa man naita-transmit sa kanila ang General Appropriations Bill (GAB) na naglalaman ng panukalang national budget para sa 2020, panay na ang mga puna nina Senador Drilon at Lacson sa naipasang bill ng Kamara. Asan ang basehan nila sa mga sinasabi nilang kwestyo­nableng mga probisyon sa badyet gayong hindi pa naman nakakara­ting ang dokumento sa kanila?” ani Oaminal. 

Ayon kay Oaminal, ang GAB na ipinasa ng Kamara ay tumutugon sa mga repormang gustong maipatupad ni Pangulong Duterte kaya’t walang dapat ikabahala  tungkol sa “pork,” ‘parking ng pondo” o “insertions” sa budget. 

Ang tinutukoy ni Oaminal ay ang na­ging pahayag nina Drilon at Lacson kamakailan tungkol sa diumano ay pagbabantay umano nila sa mga maanomalya na mga pagbabago na ginawa ng Kamara sa GAB para sa 2020 dahil sa pagkakaroon ng “small committee” para tanggapin ang mga amendments sa panukalang ito. 

Tinawanan naman ni Deputy Speaker Deogracias Victor Savellano, kinatawan ng 1st District ng Ilocos Sur, ang sinabi ni Drilon tungkol sa pagbabantay nito laban sa “pork” na maaring isingit sa national budget dahil kung maaalala ay sinampahan ng kaso sa Ombudsman ang senador dahil umano sa overpriced Iloilo Convention na kung saan noong 2013 ay ibinuhos nito ang P200 milyon na kanyang “pork barrel” sa pagpapatayo ng nasabing convention.

Hiniling din ni Savellano kay Lacson na huwag gamitin ang Kamara para magpapogi sa publiko at pabanguhin ang pangalan niya para sa pagtakbo nito sa 2022 presidential election.

 

vuukle comment

DIGONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with