^

Bansa

Pag-angkat ng baboy bawal sa ilang lalawigan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pag-angkat ng baboy bawal sa ilang lalawigan
Ilang quarantine checkpoint ang ipinuwesto sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan matapos iutos ng provincial government ang temporary ban sa pagpasok ng mga baboy mula sa ibang lalawigan bilang pag-iingat.
Boy Santos

MANILA, Philippines – Pansamantalang ipinagbawal ang pag-angkat o pagpasok ng baboy sa ilang lalawigan kasunod ng ulat ng pagdami ng mga namamatay na alagang baboy dahil sa hindi pa natutukoy na sakit.

Ilang quarantine checkpoint ang ipinuwesto sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan matapos iutos ng provincial government ang temporary ban sa pagpasok ng mga baboy mula sa ibang lalawigan bilang pag-iingat.

Sa Guiguinto, Bulacan, pansamantalang isinara ang mga timbangan o lagakan ng baboy mula sa ibang mga lalawigan.

Ang Bulacan ang nagsusuplay ng hanggang 60 porsiyento ng baboy sa Metro Manila.

Ipinagbawal na rin ng provincial government ng Bohol ang pagbiyahe at pagpasok ng mga baboy at karne kung walang health certificate, shipping permit at meat inspection certificate. 

Sa Cebu, isang task force ang binuo para ma­iwasang magkahawaan ng sakit ang mga baboy.

Sinusuyod naman ng lokal na Department of Agri­culture at veterinary office ng Pampanga sa mga babuyan para malaman kung may mga apektadong baboy.

Inaasahang malalaman na sa Setyembre ng Department of Agriculture (DA) ang resulta ng isina­ga­wang pagsusuri sa blood samples ng mga baboy na namatay sa ating bansa lalo na sa Luzon.

Ito ang sinabi ni DA spokesperson Noel Reyes makaraang maipadala na ng ahensiya sa Europa ang mga blood samples na hinihinalang nagta­taglay ng virus na pumatay sa mga alagaing  baboy sa ating bansa.

 

vuukle comment

PIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with