^

Bansa

Social pension ng senior citizens gustong itaas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado na itaas ang buwanang social pension ng lahat ng senior citizens.

Sa Senate Bill 570 ni Sen. Nancy Binay, nais nitong amyendahan ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 upang maging P1,000 ang tinatanggap ng mga senior citizens mula sa kasalukuyang P500 kung saan ang mga maaari lamang tumanggap ay ang mga mahihirap.

Sa panukala, tatanggalin sa batas ang katagang “indigent” o mahirap para makakuha ng tulong sa gobyerno ang lahat ng senior citizens.

Ang mga hindi nakakatanggap ng pension o kahit pa nakakatanggap ng pensiyon pero hindi naman lalampas sa P3,000 mula sa Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) o Pension and Gratuity Management Center (PGMC) ay maaring mabig­yan ng P1,000.

Naniniwala si Binay na makakatulong ang nasabing halaga sa pang-araw-araw na pamumuhay at medical needs ng mga senior citizens.

Ipinunto rin ni Binay na kalimitan na ang mga senior members ang nagpapatatag at nagbibigay ng “fulfillment” sa isang pamilya.

Ang mga senior citizens na hindi naman kailangan pa ng dagdag na pension para sa kanilang “daily subsistence” at medical needs ay maa­aring hindi na kunin ang kanilang “monthly stipend” na P1,000.

Ang  mga “unclaimed stipend” ay ibabalik naman sa national treasury upang maging bahagi ng pondo ng gobyerno.

vuukle comment

NANCY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with