^

Bansa

P2.7B pinsala sa agrikultura naitala dahil sa El Niño

James Relativo - Philstar.com
P2.7B pinsala sa agrikultura naitala dahil sa El Niño
Umabot na sa siyam na rehiyon ang apektado ng "dry spell" ayon sa pinaka-huling datos nitong ika-24 ng Marso.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Pumalo na sa P2.7 bilyon na ang napipinsala sa sektor ng agrikultura sa patuloy na pagsipa ng mainit na panahon dulot ng El Niño, ayon sa situation report ng National Disaster risk Reduction and Management Council na inilabas ngayong Miyerkules.

Umabot na sa siyam na rehiyon ang apektado ng "dry spell" ayon sa pinaka-huling datos nitong ika-24 ng Marso.

Ang dry spell ay ang mahabang pagkatuyot ng lagay ng panahon. Gayunpaman, mas mahina at mas maikski ito sa "drought."

Dahil dito, nasa 79,044 magsasaka na ang apektado sa MIMAROPA, Region V, VI, VII, XII at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Narito ang pinsala sa iba't ibang pananim sa CALABARZON, MIMAROPA at Regions V, VI, VII, XII at BARMM:

  • P676,269,135.68 (palay)
  • P410,286,319.8 (mais)
  • P7,891,891.38 (high value commercial crops/iba pa)

Umabot na rin sa 62 lungsod at munisipalidad ang nagdurusa sa nasabing dry spell kasama ang Mandaluyong City at Pasig City sa Metro Manila.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, inaasahan nang maging "full-blown El Niño" ang nararanasan ng bansa.

"During the past three (3) months, rainfall analyses showed that impacts of below normal rainfall conditins in provinces of Western Mindanao and Ilocos Norte were already experienced and are expected to continue," ayon sa NDRRMC.

Samantala, nagpamahagi na ng tulong na may halagang P83,500 ang Department of Social Welfare and Development sa Alamada, North Cotabato.

Aabot naman sa 71,909 pamilya o katumbas ng 353,359,545 katao ang nakararanas ng tagtuyot o dry spell sa probinsya ng North Cotabato.

State of calamity

Dahil sa dry spell, isinailalim na ang ang ilang lugar sa state of calamity.

MIMAROPA

  • San Jose, Occidental Mindoro
  • Rizal

Region IX

  • Zamboanga City

Region XII

  • Alamada
  • M'lang
  • Aleosan
  • Magpet
  • Tulunan
  • Arakan
  • Cotabato Province
  • Matalam

BARMM

  • Municipality ng Wao, Lanao del Sur, Maguindanao
  • Municipality ng Datu Abdullah Sangki
  • Pagalungan, Maguindanao
  • Upi, Maguindanao

Ayon sa Section 3 ng Republic Act 10121, ang state of calamity ay tumutukoy sa:

“[A] condition involving mass casualty and/or major damages to property, disruption of means of livelihoods, roads and normal way of life of people in the affected areas as a result of the occurrence of natural or human-induced hazard.”

Dahil dito, maaaring magpatupad ng mga price control, no-interest loans, paglalabas ng calamity funds, pangangalap ng donasyon mula sa ibang bansa, atbp. para umagapay.

Apektadong mga ospital

Magmula nang magkaroon ng krisis, naapektuhan naman ang operasyon ng limang ospital dahil sa kakulangan ng tubig.

Sa Rizal Medical Center sa Pasig, sapat naman ang suplay nito sa umaga ngunit nirarasyunan pa rin ng tubig ng Manila Water dahil sa water interruptions na nagaganap mula alas-sais ng gabi hanggang alas-kwatro ng madaling araw.

Naapula naman na ang krisis sa tubig na una nang naranasan sa National Center for Mental Health, National Kidney ad Transplant Institute, Philippine Children's Medical Center at Quirino Memorial Medical Center.

vuukle comment

DRY SPELL

EL NINO

NDRRMC

WATER CRISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with