^

Bansa

‘Stop job invasion’ - Mar Roxas

Pilipino Star Ngayon
�Stop job invasion� - Mar Roxas
Ayon kay Roxas, walang problema kung Chinese language ang expertise ng mga kinukuhang manggagawang Tsino dahil kailangan talaga iyon para sa Chinese market sa mga Business Process Outsourcing o BPO.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nanawagan si da­ting Trade and Industry Secretary Mar Roxas sa Department of Labor and Employment na ipatigil sa lalong madaling panahon ang pagbibigay ng work permit sa mga Chinese na dumadagsa sa bansa magmula pa noong nakaraang taon.

Ayon kay Roxas, walang problema kung Chinese language ang expertise ng mga kinukuhang manggagawang Tsino dahil kailangan talaga iyon para sa Chinese market sa mga Business Process Outsourcing o BPO.

“Pero kung skilled at physical jobs tulad ng karpintero, mason, welder at mga katulad nito, aba’y maraming  mga kababayan kahit saang sulok ng Pilipinas ang magaling sa ganyang larangan. Ang tanong, bakit may Chinese na pinapapasok para sa ganyang trabaho?” sabi pa ni Roxas.

Batay sa mga ulat, ang DOLE ay nag-isyu ng 119,000 Alien Employment Permits (AEPs) sa nakaraang 2018 at mahigit kalahati rito o 52,000 ay ibinigay sa mga Chinese workers.

Tahasang kinuwestiyon ni Roxas ang ganitong sistema ng DOLE dahil lantaran na umano itong “pananakop” sa sikmura ng bawat pamil­yang Pilipino na hindi makakuha ng trabaho dahil naibigay na sa mga Tsino.

vuukle comment

MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with