^

Bansa

‘October Destab’ vs Digong sinopla

Rudy Andal, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
�October Destab� vs Digong sinopla
Binigyang-diin ni Pangilinan, “downright false” ang akusasyon ni Pangulong Duterte patungkol sa ikinakasa umanong destabilization plot sa kanya.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Binuweltahan ni Sen. Francis Pangilinan ang pahayag ni Pangulong Duterte na umanib na raw si Sen. Antonio Trillanes IV sa Liberal Party upang maisagawa ang umano’y planong patalsikin siya sa Malacañang sa Oktubre.

Binigyang-diin ni Pangilinan, “downright false” ang akusasyon ni Pangulong Duterte patungkol sa ikinakasa umanong destabilization plot sa kanya.

“The accusation of destabilization is downright false. It is ridiculous. Dissent is not destabilization. Every time scandals and controversies hound this administration, whether it be corruption issues or issues of incompetent governance, it blames the opposition,” dagdag pa nito.

Magugunita na kamakalawa ng dumating siya sa Davao International Airport mula sa biyahe sa Israel at Jordan, nagbabala si Pa­ngulong Duterte patungkol sa aniya’y pinagsamang hakbang ng tatlong grupo para paalisin siya sa puwesto sa darating na Oktubre.

“Tatlo yan, bantayan ninyo. ‘Yang Yellow, Libe­ral (Party), Trillanes, pati ang politburo (communists),” sambit ni Duterte.

Pero para kay Pangi­linan, walang basehan ang mga akusasyon laban sa LP at sa iba pang mga oposisyon.

Sa halip aniya na gumawa ng ganitong mga walang basehan na kuwento, marapat lamang daw na pakinggan na lamang sa ngayon ng pamahalaan ang sigaw ng publiko at ituon ang kanilang atensyon sa pagresolba sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kawalan ng trabaho.

Para naman kay opposition congressman Ifugao Rep. Teddy Baguilat, walang plano ang Liberal Party na patalsikin ang Pangulo dahil ginagalang nila ang Saligang Batas at ang focus nila ngayon ay pagtutulak ng mga panukala tulad ng Bawas presyo bill, at karagdagang budget para sa social protection program para mabawasan ang paghihirap ng mga mahihirap dahil sa sobrang taas ng presyo ng bilihin.

Kaya panawagan umano nila ngayong Oktubre ay magtulungan para mapigil ang pagmahal ng bilihin, smuggling, killings at lawlessness at iba pang mga problema.

vuukle comment

FRANCIS PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with