“Huwag ng patagalin pa ang paghihirap ng ating mga kababayan. May magagawa tayo para maibsan ang pagtaas ng presyo,” wika ni Sen. Bam, isa sa apat na senador na bumoto kontra sa ratipikasyon ng TRAIN Law.
‘Bawas Presyo Bill’ isinulong
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Sen. Bam Aquino ang pamahalaan na tugunan ang tumataas na presyo ng bilihin, lalo na ng sa produktong petrolyo, sa pamamagitan ng pagsuporta sa pagsasabatas ng kanyang panukala na tinawag na “Bawas Presyo Bill.”

“Huwag ng patagalin pa ang paghihirap ng ating mga kababayan. May magagawa tayo para maibsan ang pagtaas ng presyo,” wika ni Sen. Bam, isa sa apat na senador na bumoto kontra sa ratipikasyon ng TRAIN Law.
“Simplehan lang po natin. Taas presyo ang problema, bawas presyo ang solusyon. Kailangang ipasa na ang Bawas Presyo Bill sa lalong madaling panahon,” dagdag na Sen. Bam, na tinutukoy ang kanyang Senate Bill No. 1798.

Layon ng panukala ni Sen. Bam na suspindihin ang excise tax sa produktong petrolyo sa ilalim ng TRAIN Law kapag lumampas ang taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.

Ayon kay Sen. Bam, hindi matatakasan ng pamahalaan ang katotohanan na ang tax reform program nito, partikular na ang excise tax sa langis sa ilalim ng TRAIN Law, ay dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo at pagtaas ng inflation rate.

BAWAS PRESYO BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with