âBuwangâ dumarami sa Pinas
Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) Exe­cutive Secretary Father Dan Cancino, na kapag hindi naagapan at nabig­yan ng tamang lunas at aten­siyon ang depresyon ay nagiging dahilan ito ng suicide.
‘Buwang’ dumarami sa Pinas
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2018 - 12:00am

CBCP nabahala

MANILA, Philippines — Ikinababahala na ng Simbahang Katolika ang dumaraming bilang ng mga tao sa Pilipinas na dumaranas ng sakit sa pag-iisip at iba pang uri ng mental health problem.

Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) Exe­cutive Secretary Father Dan Cancino, na kapag hindi naagapan at nabig­yan ng tamang lunas at aten­siyon ang depresyon ay nagiging dahilan ito ng suicide.

Dahil dito, hinihimok ng Simbahan ang mamamayan na nakararanas ng depresyon at iba pang mental health problem na mas maging bukas sa pakikipag-usap sa kanilang pamilya, kaibigan at higit sa lahat manampalataya sa Diyos.

Iginiit ng Pari na sa pa­mamagitan ng pananam­palataya ay nabibigyan agad ang bawat isa ng walang hanggang pag-asa.

Sa datos ng Department of Health na mula taong 2016 ay umaabot na sa 2,413 ang kaso ng suicide sa bansa.

Kaugnay nito, kinatigan ng isang opisyal ng Simbahan ang pag-aaral ng Royal Stoke Hospital Department of Cardio­logy, sa Stoke-on-Trent sa Bri­tain na nakabubuti sa kalusugan ang kasal.

Ayon kay Rev. Father James Andrew Castillo, SOLT, Program Creator ng Radio Veritas Asia, hindi lamang sa aspetong emos­yonal nakatutulong ang pagpapakasal, ito rin ay nakakatulong na mapabuti ang pisikal na kalusugan ng isang tao.

Sinasabi sa pag-aaral na 42-porsiyento ng mga tao na hindi kasal, diborsiyado at wala nang katuwang na asawa ay mas madaling magkaroon ng mga cardiovascular disease.

Samantala, 16-porsi­yento naman ng mga single o walang karelasyon ang kadalasang nagkakaroon ng coronary heart disease.           

Ang panganib ng pagkamatay mula sa coronary heart disease para sa mga tao na hindi pa kasal o diborsiyado ay tumaas ng 42-percent.

Ang “risk factors” gaya ng katandaan, high blood pressure, diabetes at ma­taas na cholesterol at ma­ging paninigarilyo ay ang bumubuo sa 5-porsiyento na dapat iwasan para hindi na mauwi pa sa cardiovascular disease ang karamdaman.

DAN CANCINO MENTAL HEALTH PROBLEM SIMBAHANG KATOLIKA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with