Digong sinipa si Evasco sa NFA council
(Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2018 - 11:46am

MANILA, Philippines — Ipinatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cabinet Secretary Leoncio Evasco Jr. sa National Food Authority (NFA) Council, habang ibinalik na ang NFA sa ilalim ng Department of Agriculture (DA).

Natanggal si Evasco kasunod ng mga ulat na pagtatalo sa pagitan nila ni NFA administrator Jason Aquino tungkol sa rice importation kasabay ng kakulangan ng supply ng bigas.

Ibinaba ni Duterte ang desisyon sa Cabinet meeting kagabi sa Malacañan Palace.

Samantala, ibinalik na rin sa pamumuno ng DA ang Philippine Coconut Authority at Fertilizer and Pesticide Authority.

Nabuo ang NFA council alinsunod sa Presidential Decree No. 1770 kung saan binubuo ito ng mga opisyal ng central bank, trade, finance at socioeconomic planning departments.

NATIONAL FOOD AUTHORITY
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with