^

Bansa

Bangkay natuklasan sa Sta. Mesa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bangkay na nang matuklasan ang isang construction worker nang umalingasaw na ang amoy nito mula sa inuupahang silid, sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Hinihinalang nasa 3 hanggang 4 na araw nang patay ang biktimang si Jason Buenaflor, 24, binata, at solong nangu­ngupahan sa isang kuwarto sa No. 4888 Old Sta. Mesa, Sta. Mesa, ng naturang lungsod.

 Sa ulat ni SPO1 Jorlan Taluban ng Manila Police District-Homicide Section, alas 6:40 ng umaga kahapon nang matuklasan ng landlord na si Isabelo Gabriel na bangkay na ang kaniyang tenant nang umuwi siya mula sa pagjo-jogging.

Alas-4:00 ng madaling araw nang makaamoy na ng masangsang si Gabriel suba­lit binalewala muna ito dahil paalis siya para mag-jogging.

Nang bumalik ng bahay ay muling sumalubong ang nakakasulasok na amoy kaya hinanap ang pinagmulan at sinilip ang silid ng biktima kung saan nakita ang lumolobong katawan at nangingitim na sa pagkabulok.

Ayon pa sa ulat, nitong Enero 15, alas 7:00 ng gabi nang huling makitang buhay ang biktima.

May 5 buwan na umanong solong okupante sa nasabing silid ang biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with