^

Bansa

2018 nat’l budget, TRAIN pipirmahan ni Duterte sa Dis. 19

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2018 natâl  budget, TRAIN  pipirmahan  ni Duterte  sa Dis. 19

“The signing of TRAIN has been set on the 19th, together with the 2018 Budget,” ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno. Krizjohn Rosales/File

MANILA, Philippines — Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Duterte sa Disyembre 19 ang 2018 national budget na nagkakahalaga ng P3.767 trilyon gayundin ang Tax Reform Acce­leration and Inclusion (TRAIN) Law.

“The signing of TRAIN has been set on the 19th, together with the 2018 Budget,” ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno.

Ang TRAIN Law ay inaasahang magpapalaki sa take-home pay ng mga empleyado dahil sa pagbaba ng income tax pero mangangahulugan naman ito ng mas mataas na buwis sa fuel, cars, mining at tobacco.

Sa ilalim ng TRAIN, exempted na mula sa tax ang first P250,000 annual income upang tumaas ang take-home pay ng mga empleyado kaya ang kumikita ng P21,000 kada buwan na suweldo ay hindi na kakaltasan ng income tax.

Ang target na pagpapatupad ng TRAIN ay sa Enero 1, 2018 kung saan ay magpapataw naman ng tax sa mga sugar-sweetened drinks pero exempted pa rin sa tax ang mga gatas at kape.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with