^

Bansa

Murang gulay sa Maynila tiniyak, Benguet Market binuksan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaasahang mas murang gulay ang mabibili ngayon sa Maynila sa panahon ng Kapaskuhan. 

Ito naman ang  tiniyak ni  Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng pagpapasinaya ng Benguet vegetable market sa Quinta Market na dinaluhan ng  mismong gobernador ng lalawigan na si Gov. Crescencio Pacal­so at mga magsasaka nito.

Ayon kay Estrada, malaki ang maitutulong ng  “farm direct” sa mga vendors dahil mas lalaki pa ang kanilang kita at mababawasan na ang mga middleman na siyang nagpapamahal ng gulay.

Ang lahat ng mga vendors ay maaaring umangkat sa Benguet vegetable market kung saan nakatitiyak na malinis at maganda ang kalidad ng mga gulay.

Binigyan diin naman ni Dax Gazmin, Chief Executive Officer ng farmdirect na ang pagbubukas ni Estrada ng oportunidad sa mga magsasaka ng Benguet ay indikasyon na sabay-sabay ang pag-unlad ng mga magsasaka at vendors ng mga gulay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with