^

Bansa

Oktubre 30, gawing holiday - solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ni Kabayan Rep. Ron Salo kay Pangulong Duterte na ideklara na rin na special non- working holiday ang Oktubre 30.

Ayon kay Salo, ito ay bilang national day of thanksgiving and prayer for peace para sa Marawi at buong Mindanao. Aniya, sa ganitong paraan, mabibigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino na bigyang parangal ang sakripisyo ng lahat ng sumabak sa digmaan laban sa Maute terrorist group lalo na ang mga nagbuwis ng buhay.

Sinabi ni Salo na kung magiging holiday ang Oktubre 30 ay ma e-enjoy din ng publiko ang long weekend mula Oktubre 28-Nobyembre 1. Mababawasan din aniya ang sagabal sa negosyo at production schedules  at makakapaghikayat sa domestic tourism.

Kaya sa Oktubre 30, hinikayat pa na personal na pasalamatan ang mga sundalo, volunteers, rescuers at news reporters na nagtungo sa Marawi City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with