^

Bansa

TESDA at IOM nagsanib puwersa sa ASEAN workshop

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsanib puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at International Organization for Migration (IOM) upang magkaroon ng kaganapan ang Association of South East Asian Nations (ASEAN) workshop on competency certification system na idinaos sa Sofitel Philippine Plaza Manila nitong nakalipas na Oktubre 16 at 17.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, layunin ng workshop na suportahan ang implementasyon ng ASEAN guiding principles upang makilala ang galing at kasanayan ng mga trabahador ng iba’t-ibang ASEAN member states (AMS). Aniya, malaki ang maitutulong ng naganap na workshop sa TESDA dahil masusuring mabuti ng ahensiya kung ano ang mga pagkukulang ng kanilang assessment at certification system kumpara sa iba pang miyembro ng ASEAN.

Inirekomenda ng TESDA sa mga dumalo sa workshop ang pagkakaroon ng TVET Council na siyang tututok sa pagpapalakas ng technical-vocational sa mga bansang kasapi ng ASEAN.

Bukod sa TESDA at IOM, dumalo sa workshop ang ASEAN secretariat at delegates, industry representatives at iba pa kung saan ay nagkaroon nang pag-aaral kung paano tutularan at lilinangin ang qualifications frameworks at skills standards ng mga kasapi sa ASEAN.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with