^

Bansa

Presyo ng diesel, kerosene tumaas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
 Presyo ng diesel, kerosene tumaas

Sa abiso ng kahapon ng PTT Philippines, tumaas ng halagang P0.45 kada litro ang diesel at epektibo ito ng alas-6:00 ngayong umaga. File

MANILA, Philippines — Muling nagpatupad ng panibagong pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis na  epektibo ngayong Martes, Setyembre  26.

Sa abiso ng kahapon ng PTT Philippines, tumaas ng halagang P0.45 kada litro ang diesel at epektibo ito ng alas-6:00 ngayong umaga.

Nagtaas din ng presyo ng kanilang diesel ang Sea Oil at Petron na may kahalintulad ang halaga, samantalang tumaas din ng halagang P0.65 kada litro ang kanilang keresone.

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng taas presyo ng kanilang diesel,  na may kahalintulad ang halaga.

Ang panibagong taas presyo sa diesel ay bunsod pa  rin ng paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan. Matatandaan, nitong nakaraang linggo ay walang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo at ang huling pagtaas ay nitong nakaraang Setyembre 12.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with