^

Bansa

Giyera kontra droga sa M’danao; AFP at PDEA nagsanib-puwersa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ilalarga ng pinagsanib na puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kampanya kontra illegal na droga sa mga balwarteng teritoryo ng mga teroristang grupo at iba pang mga banta sa pambansang seguridad partikular na sa rehiyon ng Mindanao.

Ito’y matapos na lagdaan kahapon nina PDEA Director  Isidro Lapeña at AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año ang Memorandum of Agreement (MOA)  kaugnay ng isasagawang operasyon sa pinaigting na anti-drug campaign.

Sa gitna na rin ng pagbabalik ng PNP sa ‘all out war’ kontra droga, sinabi ni Año na walang magi­ging problema sa kanilang operasyon dahilan tanging sa mga ‘conflict areas’  ang pokus ng kanilang misyon katuwang ang PDEA na siyang magsi­silbing ‘lead role’.

 “We focus our ope­rations in conflict stricken areas “, ani Año  kung saan kabilang sa tinutukoy nitong mga lugar ay sa Central Mindanao kung saan namamayagpag ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Al Ansar Khalifa na may ugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria, New People’s Army (NPA) at maging ang rouge Muslim group.

Alinsunod sa nasabing kasunduan ay magkatuwang na magsasagawa ng operasyon ang PDEA at AFP upang tuldukan ang malalang problema sa droga sa bansa na siyang ipinag-utos ni Pangulong  Rodrigo Duterte.

 Magugunita na binig­yan ng ‘go signal’ ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang AFP na tumulong sa giyera kontra droga na pangungunahan ng PDEA matapos namang pansamantalang ipinatigil ang Oplan Tokhang/Double Barrel ng PNP dahilan sa ilang kontrobersya na kinasangkutan ng mga scalawags na pulis. 

vuukle comment

AFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with