^

Bansa

‘No whitewash’ vs CIDG men sa Espinosa slay

Doris Borja - Pilipino Star Ngayon
�No whitewash� vs CIDG men sa Espinosa slay

Siniguro ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na walang magaganap na ‘whitewash’ at hindi rin makikialam si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng DOJ sa kasong isinampa ng National Bureauof Investigation (NBI) laban sa mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group-8 (CIDG-8) kaugnay sa pagkamatay ni Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa at kap­wa inmate na si Raul Yap noong Nobyembre 5. PCIJ/Nancy Carvajal; CIDG handout/ABS-CBN

MANILA, Philippines - Siniguro ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na walang magaganap na ‘whitewash’ at hindi rin makikialam si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng DOJ sa kasong isinampa ng National Bureauof Investigation (NBI) laban sa mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group-8 (CIDG-8) kaugnay sa pagkamatay ni Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa at kap­wa inmate na si Raul Yap noong Nobyembre 5.

Ayon kay Aguirre, hindi makakaapekto ang sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati na hindi niya papayagan ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Espinosa na makulong.

“Malinaw naman ang sinabi ng Pangulo that if you have the evidence charged them and that’s what the NBI has done. We have a free hand in the DOJ and I’m sure the President will not interfere,” ani Aguirre.

Posible rin umano na ang pahayag ni Pangulong Duterte ay bahagi lamang ng kanyang pamamaraan para maipakita ang kalayaan sa pamamahayag.

Paliwanag ni Aguirre, mahilig sa hyperbole at exaggeration si Duterte subalit nananatili ang  freedom of expression dahil ang bawat Filipino ay may karapatan na maghayag ng kanyang sa loobin.

Una nang iniutos ni Aguirre ang pagbuo ng panel of prosecutors para masimulan nang pag-aralan ang mga rekla­mong inihain ng NBI laban sa mga pulis sa Espinosa slay.

Sa sandaling mapatunayan na may ebidensiya ang panel na binuo ang magsasampa ng kaukulang information sa Korte.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with