^

Bansa

Paglilitis kay Jinggoy tuloy na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy na ang gagawing paglilitis ng Sandiganbayan sa 11 bilang ng kasong katiwalian ni dating senador Jinggoy Estrada kaugnay ng pork barrel scam.

Ito’y matapos ibasura ng Sandiganbayan 5th division ang motion for reconsideration (MR) ni Estrada na nagpapabaliktad sa naunang pagbasura ng korte sa kanyang motion to dismiss.

Sa MR ni Estrada, iginiit ng kampo niya ang argumento na hindi na siya kailangang litisin sa kasong graft dahil absorbed na ito ng kanyang kasong plunders.

Paliwanag ng dating senador, na ang graft ay sangkap lamang o tinatawag na constitutive act sa pandarambong o plunder.

Subalit hindi ito sinang-ayunan ng mga mahistrado ng fifth division ng Sandiganbayan.

Sa resolusyon ng korte, sinasabing ang plunder ay para sa illegal na pagkamkam ng yaman habang ang kaso niyang katiwalian ay dahil sa pagbibigay ng unwarranted benefits o undue advantage sa ibang indibidwal.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with