^

Bansa

‘Si de Lima ang nasa video!’ - ex-aide

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagaman hindi naipalabas ang sinasabing sex video ni Senador Leila de Lima, inilarawan naman ng dating bodyguard niya na si Joenel Sanchez ang nilalaman ng napanood na video.

Sa pagharap ni Sanchez sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay sa imbestigasyon ng droga sa National Bilibid Prison (NBP), personal niyang binasa ang sinumpaang salaysay at sinabing napanood niya ang dalawang sex video ni de Lima matapos na ipakita sa kanya ng driver ng dating kalihim na nagngangalang “Bantam”  noong 2012 habang naka-park ang kanilang sasakyan sa Malacañang, ang cellphone ni Ronnie Dayan na dating driver/bodyguard ni de Lima.

Nang panoorin umano ni Sanchez ang unang video ay nakita niya si de Lima na naka hubo’t hubad habang nagpo-pose sa tabi ng shower habang ang ikalawa naman ay inoral sex niya si Dayan.

Nakumpirma din umano ni Sanchez na may relasyon si Dayan at de Lima dahil natutulog ito sa bahay ng noon ay kalihim gayundin kapag may mga out of town sila ay magkasama sila sa iisang kwarto habang sa isang kwarto naman ang mga security.

Minsan din umanong pumunta sa Bicol ay napansin niya ang sweetness ng dalawa gayundin ng pumunta sila sa isang out of town trip ay nakita nitong nagsusubuan ng saging na saba sina Dayan at de Lima.

Nagtutungo din umano si de Lima sa bahay ni Dayan sa Urbiztondo, Pangasinan tuwing may okasyon lalo na ‘pag kaarawan ng huli, ‘pag huling linggo ng Disyembre hanggang Bagong taon.

Binibilihan din umano ni de Lima si Dayan ng paborito nitong alak na Fundador, sigarilyo mga personal na gamit tulad ng sapatos at iba pa.

Sinabi ni Sanchez, na nagkaroon ng sama ng loob si Dayan kay de Lima dahil sa selos ng dumating ang isang Warren Cristobal, MMDA motorcycle rider na naka-detach service kay de Lima dahil binigyan siya ng mamahaling baril noon.

Aminado rin si Sanchez, na minsan na rin sumama ang loob niya sa dating kalihim dahil hindi siya tinulungan ng atakehin sa puso ang ama kaya sa dating gobernador na ng Mindoro na si Umali siya humingi ng tulong.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with