^

Bansa

Renewal ng driver’s license, gawing online - solon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si  House Deputy Majority Leader Gerald Anthony Gullas sa Land Transportation Office (LTO) na gawin nang online ang renewal ng driver’s license at registration ng mga sasakyan.

Ayon kay Gullas, masyado nang nahuhuli ang bansa kumpara sa ibang mga bansa dahil ang mga tao ay maaaring magrenew ng lisensya at magparehistro ng mga sasakyan sa online na hindi na kinakailangang pang magtungo ng personal sa opisina.

Umaasa naman ang kongresista na sa kalagitnaan ng termino ni Pangulong Duterte ay makabago na ang pamamaraan ng LTO sa pagbibigay serbisyo.

Maliban sa renewal ng lisensya at registration ng sasakyan, hiniling din nito na gawin ng online o gawin sa internet ang pag-request ng driver’s record, pagbayad ng multa, sale o transfer ng car ownership, at iba pang transaksyon.

Giit ni Gullas, ang mabagal na serbisyo ang dahilan ng korapsyon sa loob ng LTO.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with