^

Bansa

‘Bloody war’ vs China! – Babala ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

TANAY, Rizal, Philippines – Nagbabala kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa China na huwag nitong susubukang lusubin ang Pilipinas.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa harapan ng mga sundalo sa 2nd Infantry Division sa Camp Capinpin dito.

“I guarantee to them kung kayo (China) ang pumasok dito, it will be bloody. Ako po ay Pilipino. Parehas niyo magpapakamatay ako para sa bayan,” wika pa ni Duterte.

Iginiit ni Pangulong Duterte, hindi mangunguna ang Pilipinas sa giyera pero tinitiyak nitong kapag umatake ang China ay magiging madugo.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi basta bibigay na lamang ang mga sundalo ng hindi lumalaban.

Tiniyak din ni Pangulo na tulad ng mga sundalo, handa siyang mamatay para sa bayan. Kaya kahit ayaw daw nito ng giyera, mahalagang ihanda ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para kayang idepensa at protektahan ang ating teritoryo.

Bilang bahagi ng paghahanda, inulit ng Pangulo na hindi susunod sa ‘lowest bidder scheme’ bagkus bibili ng pinakamagandang klase ng gamit panggiyera.

“Paano ba natin maipagtanggol ang ating Inang Bayan in our own little way because we are not that rich? But I am sure to guarantee to them kung kayo ang pumasok dito, it will be bloody and we will not give it to them easily,” dagdag pa ng Pangulo.

“They better come up with ano ba talaga ang gusto nila. Whether they like it or not, that arbitral judgement would be insisted not only by the Philippines but by the whole countries dito sa Southeast Asia,” giit pa ni Duterte na nakatakdang dumalo sa ASEAN Summit sa susunod na buwan sa Laos.

“I hope China is dea­ling with us in good faith. They seem to be conciliatory but we are not insisting on the arbitral judgment. I know they are listening to us now,” paliwanag pa ni Pangulong Duterte.

Samantala, nangako ang Pangulo na hindi nito tatalakayin sa pagdalo nito sa ASEAN Summit sa Laos sa September 5-7 ang ruling ng Permanent Court of Arbitration (PCA).

Nauna rito, nanawagan din ang Pangulo sa Beijing na payagan ang mga mangingisdang Pinoy na mangisda sa West Philippine Sea na kinakamkam ng China.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with