^

Bansa

Bilang ng mahihirap ‘di bumaba - Obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Taliwas sa ibinida ng Aquino administration, hindi totoo na bumaba ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco at sinabing hindi nararamdaman ng poor sector ang sinasabing kaunlaran.

Giit ng Obispo, lalo pang dumarami ang mga mamamayang Pilipino na naghihirap, walang trabaho at sa kawalan ng oportunidad sa ikabubuhay sa bansa.

Samantala, itinuturing ni Bishop  Pedro Arigo, prelature ng Puerto Princesa na pampapogi lamang ng administrasyong Aquino ang survey na bumaba ang bilang ng mga mahihirap sa bansa.

Ayon kay Arigo, isang propaganda o kunyaring legacy ng “Daang Matuwid” ng Aquino administration ang sinasabing pagbaba ng mga mahihirap sa bansa.

Ipinagmalaki at ikinatuwa ng Malacañang ang inilabas na survey SWS na bumaba na sa 46 porsiyento ang nagsasabing gumanda ang kanilang kalagayan o kabuuang 700 libong pamilya ang  nakaahon sa kahirapan sa huling buwan ng panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III.

 Naninindigan naman si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na hindi totoo na buma­ba ang bilang ng naghihirap na Filipino sa bansa.

 Ayon sa arsobispo, sa pagbisita niya muli sa Baseco, Tondo Maynila at sa Intramuros, marami pa rin ang nakatira sa ilalim ng tulay at sa mga bangketa na ang sapin ay karton lamang.

vuukle comment

FIBA OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT

JUNE MAR FAJAR­DO

TAB BALDWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with