^

Bansa

Kelot sugatan sa inggitero

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang binata matapos itong pagtripang barilin ng isang lalaki dahil naasar umano ang huli dahil may kasamang mga chicks ang una kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Makati ang biktimang si Enriquito Solatorio,19, ng Orense, Brgy. Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod na nagtamo  ng tama ng bala sa paa buhat sa hindi pa batid na kalibre
ng baril. Hindi muna ibinunyag ang pangalan ng suspect dahil nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya laban dito at hinihinalang “tulak” umano ito ng droga sa naturang lugar.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Ronaldo Villaranda, ng Homicide Section, Makati City Police, ­naganap ang insidente alas-3:40 ng madaling araw sa kahabaan ng Orense St., Brgy. Guadalupe Nuevo ng
naturang lungsod.

Bago ang pamamaril, may kasamang kadalagahan ang biktima at masayang naglalakad ang mga ito at nakita ng suspect kung saan nagpaparinig ito na “maangas ka, akala mo kung sino ka”.

Hindi ito pinansin ng biktima dahil sa pag-aakalang hindi naman siya ang tinutukoy nito. Subalit, sinundan ang biktima at pinaputukan ito ng suspect at sa paa lamang ito tinamaan, na kaagad naman itong dinala sa naturang ospital.

FRENCH OPEN

NOVAK DJOKOVIC

RAFAEL NADAL

SERENA WILLIAMS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with