FOI tiniyak ni Duterte
MANILA, Philippines – Tiniyak ni President-elect Rodrigo Duterte na maipapasa ang Freedom of Information (FOI) dahil bawal ang sikreto sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“Bawal na ang secrets sa aking administrasyon, kaya magpapalabas na lamang ako ng EO para sa FOI,” sabi ni Duterte.
Sa panayam kay incoming President Duterte, magpapalabas siya ng isang executive order para sa FOI para hindi na ito dumaan sa mahabang proseso ng talakayan sa Kongreso.
Ito’y para ipakita sa publiko na walang dapat itago ang gobyerno sa mamamayan.
Magugunita na naging campaign promise noong 2010 elections ni Pangulong Aquino ang pagsusulong sa FOI subalit hanggang sa matapos ang termino nito ay hindi nakapasa ang FOI.
Siniguro ni Duterte na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay magiging transparent ang kanyang gobyerno.
- Latest





















