^

Bansa

Kidapawan clash kinondena ng KMU

Angie Delfino - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mariing kinondena ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang gobyerno, PNP at lokal na pamahalaan ng North Cotabato hinggil sa madugo at bayolenteng pagtataboy at pamamaril sa mga magsasaka at Lumads sa Kidapawan.

Ayon kay Elmer “Ka Bong” Labog, KMU chairperson, hindi makatao at hindi makatwiran ang ginawa sa mga magsasaka at Lumads kayat dapat lamang na managot dito ang pamahalaan.

Tatlong magsasaka ang nasawi sa insidente habang mahigit sa 40 ang malubhang nasugatan dahil sa marahas na dispersal sa barikada ng mga magsasaka.

Anya, sa halip na tulungan ng pamahalaan ang karaingan ng mga magsasaka at Lumads ay bala pa ang naging tugon sa kanilang kahilingan.

Sinasabing nagsagawa ng ilang araw na protesta ang mga Lumads at magsasaka sa Cotabato-Davao Highway para igiit ang tulong na pagkain ng Cotabato provincial govern­ment na matagal nang naipangako sa mga ito pero hindi pa maibigay.

Wala na umanong ma­kain ang pamilya ng mga magsasaka at Lumads dahil hindi na maka­pagtanim dulot ng tuyot na mga pataniman.

Dahil walang makain at hikahos sa loob ng pitong buwan, nagsagawa na lamang ng barikada ang mga magsasaka para marinig ng pamahalaan ang kanilang karaingan.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with