^

Bansa

Narcopolitics titindi pa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nababahala na ang ilang senador sa pagtindi ng narcopolitics sa bansa lalo na’t papalapit na ang eleksiyon kung saan puwedeng magamit ang pera galing sa droga.

Ayon ay Sen. Tito Sotto, miyembro ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, bagaman at hindi pa laganap sa buong bansa ang narcopolitics, nakakabahala pa rin ito at dapat ng pagtuunan ng pansin ng national government.

Ipinagpatuloy kahapon ng komite na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe ang sinasabing tangkang pag-atake ng mga miyembro ng isang local drug syndicate sa isang radio station sa Iloilo.

Noong Nobyembre 2015, nasa 20 armadong lalake ang sumugod sa himpilan ng Aksyon Radyo kung saan nakilala ang tatlo mula sa CCTV footages na sina Melvin Odicta Sr., ang lider ng grupo; Melvin Odicta Jr., anak nito; at  Jesus “Jing Jing” Espinosa, isang barangay kagawad sa Monica-Blumentritt.

Ang kahina-hinalang paglaya umano ni Odicta Sr. at Espinosa ay dapat ding imbestigahan, ayon kay Poe.

Sinabi rin ni Sotto na hindi imposibleng gumana ang pera mula sa droga ngayong darating na eleksiyon.

“I think we should place the problem of illegal drugs on the top of the list when it comes to peace and order. Dapat top priority,” ani Sotto.

 

AKSYON RADYO

ANG

ESPINOSA

GRACE POE

JING JING

MELVIN ODICTA JR.

MELVIN ODICTA SR.

NOONG NOBYEMBRE

ODICTA SR.

SENATE COMMITTEE

SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with