Lapid pasok sa magic 12 senators sa RMN survey
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pasok na sa magic 12 senator si Senatorial candidate Mark Lapid batay sa RMN 2016 election survey.

Halos naungusan pa ni Lapid na makapasok sa magic 12 ang re-electionist senator at mga senatorial candidate na sunod-sunod na ang mga political at campaign ads sa mga radio at telebisyon at maging sa social media.

Dahil dito ganoon na lamang ang lubos na pasasalamat ni Lapid sa tiwala at suportang ipinagkakaloob sa kanya ng publiko.

Batay sa survey si Lapid ay nakakuha ng 21.76 percent sa Calabarzon, 26.90- percent naman sa Central Luzon, 20.15 sa NCR at sa kabuuan siya ay may total na 22.73 percent.

Magugunitang bago pa man ang lumalabas na survey ng RMN si Lapid ay nasa ika-15 puwesto sa ilang mga survey at halos tatlong bilang o numero ang kanyang tinalon para makapasok sa magic 12.

Ang survey ay ginawa noong October 25 hanggang Nobyembre 25.

ANG BATAY CALABARZON CENTRAL LUZON DAHIL LAPID MAGUGUNITANG MARK LAPID NOBYEMBRE PASOK SURVEY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with