^

Bansa

Ismagler ang tugisin! - VP Binay

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng mahigpit na pagtutol si Vice President Jejomar Binay sa plano ng pamahalaan na itaas sa 14 porsiyento mula sa kasalukuyang 12 porsiyento ang Value Added Tax para makabawi sa mababang koleksyon ng buwis kung sakaling mapagtibay at maging ganap na batas ang tax reform bill.

“Meron nang napaka­taas na VAT rate sa rehiyon ang Pilipinas,” sabi ni Binay na standard bearer ng United Nationalist Alliance. Sa halip anyang magtaas ng VAT, dapat magsagawa ang pamahalaan ng agresibong kampanya laban sa mga smuggler at paghusayin ang koleksyon sa buwis.

Sinabi pa ni Binay na ang pagpapababa sa buwis ay magiging daan para mas maraming pera ang magamit ng mga konsyumer sa kanilang mga pangangailangan.

Sinuportahan din ng bise presidente ang hakbang ng Kongreso na bawasan ang income tax dahil ang income tax level sa bansa ang isa anya sa pinakamataas sa mundo.

“Dapat pasanin ng mga may napakalaking kinikita  ang bigat sa buwis sa  halip na mga ordinaryong manggagawang Pilipino,” wika pa niya. Makakabawi anya ang pamahalaan sa mababawasang buwis sa pamamagitan ng dagdag na consumption tax nang hindi magtataas ng VAT.

Binatikos pa ni Binay ang masalimuot na sistema ng pagbabayad ng buwis sa bansa. “Ang bagong report na merong pinakamasalimuot na sistema sa pagbabayad ng buwis sa Pilipinas ay nagdidiin ng pangangailangan ng reporma sa buwis sa bansa,” dagdag niya.

Lumitaw sa pag-aaral ng international audit firm na PricewaterhouseCoopers na, sa 189 ekonomiya sa mundo hinggil sa gaan ng pagbabayad ng buwis, pang-127 ang Pilipinas.

Binanggit ni Binay ang sinasabi sa pag-aaral na ang mga negosyante sa Pilipinas ay gumugugol ng 193 oras sa pagbabayad ng 36 na iba’t-ibang fees at tax bawat taon.

“Paano natin mahihikayat ang mga dayuhang negosyante na magpasok dito ng pera kung pahihirapan natin sila sa pagnenegosyo sa bansa?” tanong ng Bise Presidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINANGGIT

BINAY

BISE PRESIDENTE

BUWIS

MGA

PILIPINAS

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

VALUE ADDED TAX

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with