^

Bansa

Poe tatanggalin sa balota

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahan na ng kampo ni Sen. Grace Poe na may uusbong pang legal battle na kanilang kakaharapin bukod sa disqualification na naka­binbin sa Senate Electoral Tribunal.

Inamin ni Atty. George Garcia, isa sa abugado ni Poe, na pinaghahandaan na nila ang posibilidad na ito dahil may nagtatangka umanong tanggalin ang pangalan ni Poe sa listahan ng presidential candidates sa May 2016 elections.

Ayon kay Atty. Garcia na isa lamang ang disqualification case sa mga hadlang na kakaharapin ng senadora.

Hindi aniya titigil lamang sa SET ang mga pag-atake kay Poe at inaasahan na ng legal team ni Poe na babatuhin ito ng panibagong kaso sa sandaling maghain na siya ng certificate of candidacy (COC) sa susunod na linggo.

Sa ilalim ng rules, ang petisyon na humihi­ling ng kanselasyon ng COC ay maaring ihain sa  Commission on Elections (Comelec) sa loob ng 25 araw mula nang maihain ang COC.

Umaasa si Garcia na mareresolba ng SET ang usapin sa unang linggo ng Nobyembre upang magkaroon na ng pagkakataon ang senador na maisentro na ang atensyon sa mas mahahalagang bagay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

COMELEC

GARCIA

GEORGE GARCIA

GRACE POE

INAASAHAN

INAMIN

NOBYEMBRE

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with