^

Bansa

No extension sa voters registration

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na pinagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang hinihiling ng ilang grupo na magpatupad pa ng ekstensiyon sa panahon ng pagpaparehistro.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na kahit gustuhin man nila na palawigin ito ay hindi na maaari bunga ng epekto nito sa timeline sa paghahanda ng May 2016 national and local elections.

Paliwanag ni Bautista na kung i-eextend ang voter’s registration ay maaring kapusin sila sa panahon sa pagsasagawa ng mga bagay na mas mahalaga para sa eleksyon.

Nauna rito, ilang civil society groups ang humiling sa Comelec na habaan pa ng isang linggo ang voters’ registration, o mula Nobyembre 1 hanggang 7.

Ito’y upang mabawi ang isang linggong ilalaan ng Comelec para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) na nakatakda mula Oktubre 12 hanggang 16.

Ang voters registration na sinimulan noong Mayo 6, 2014 ay nakatakda nang magtapos sa katapusan ng buwang ito.

ANG

BAUTISTA

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

ITO

NAUNA

NOBYEMBRE

OKTUBRE

PALIWANAG

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with