^

Bansa

Cellphones bawal sa bank employees

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipagbabawal na rin sa mga empleyado ng bangko ang paggamit ng cellphone bilang paghihigpit sa seguridad laban sa mga krimen na pumupuntirya sa bank industry.

Nakapaloob sa House Bill 5033 na inihain ni Bulacan Rep. Gavini Pancho o ang “Cell Phone in Banks Prohibition Act of 2014” na papayagan lamang ang mga empleyado ng bangko na gumamit ng kanilang mga cellphones kapag oras ng kanilang mga break at hindi habang nagtatrabaho o kaya ay nasa harap ng mga kliyente.

Tanging ang mga medical doctors at mga emergency health care practitioners lamang ang papayagan na gumamit ng nasabing device sa loob ng bangko dahil sa posibilidad ng emergency.

Bagamat noon pa man ay ipinagbabawal na talaga ang paggamit o paglalabas ng cell phone sa mga bangko ay mga kliyente lamang ang sakop nito at walang kaaga­pay na batas na susuporta para sa paghihigpit pa ng seguridad.

Ang mga hindi susunod sa bank management o security personnel ay mumultahan ng P1,000 at detensyon sa Barangay o Police station na nakakasakop sa bangko habang ang mga bank personnel ay pagmumultahin ng P2,000 o suspensyon o parehong parusa.

vuukle comment

BAGAMAT

BANKS PROHIBITION ACT

BULACAN REP

CELL PHONE

GAVINI PANCHO

HOUSE BILL

IPAGBABAWAL

NAKAPALOOB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with