Taal at Mayon muling nag-alburoto
MANILA, Philippines - Muling nag-alburoto kahapon ang bulkang Taal matapos makapagtala ng tatlong volcanic earthquakes sa paligid nito sa nakalipas na 24-oras.
Ayon sa Philippine InstiÂtute of Volcanology and Seismology (PhiÂvolcs), nakapagtala din ng pagbaba ng lebel ng tubig sa paligid ng bulkan mula sa 0.39 meter ay naging 0.35 meter ito.
Patuloy na nakataas sa alert level 1 ang Taal at pinaalalahanan ang publiko na nanaÂnatiling off-limits ang paglapit sa bulkan dahil sa banta ng pagsabog at mataas na konsentrasyon ng toxic gases.
Nagbabala rin ang Phivolcs sa publiko na nananatiling nasa Permanent Danger Zone (PDZ) ang paligid ng Taal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtayo ng bahay malapit dito.
Nakapagtala naman ng dalawang volcanic earthquake sa paligid ng Mayon kahapon.
Nasa alert level 1 pa rin ang paligid ng bulkan dahil sa abnormal na kondisyon nito.
Mahigpit ding ipiÂnagbaÂbawal ang pagpasok sa 6-kiloÂmeter radius PDZ sa paligid ng bulkan dahil sa banta ng pagsaÂbog.
- Latest