^

Bansa

COA, ibinasura apela sa P73 milyong OVP confidential funds

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
COA, ibinasura apela sa P73 milyong OVP confidential funds
The photo of the Commission on Audit's office in Quezon CIty taken on Aug. 17, 2021.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tuluyan nang pinagtibay ng Commission on Audit (COA) ang Notice of Disallowance na nagbabawal sa paggamit ng P73.287 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) para sa panahon ng Disyembre 22 hanggang 31, 2022.

Sa 15-pahinang resolusyon, sinabi ng COA na tanging mga acknowledgment receipt lamang ang isinumite ng OVP bilang suporta sa mga confidential expenses at nabigo itong sumunod sa mga itinakdang alituntunin ng COA, Joint Circular on Confidential Funds, at mga probisyon ng pambansang badyet.

Ayon sa COA, hindi sapat ang mga dokumentong iniharap upang patuna­yan ang wastong paggamit ng pondo at hindi nito natugunan ang kinakailangang antas ng ebidensya para sa paggasta ng confidential funds.

Binigyang-diin ng komisyon na ang pagpapalabas ng malaking halaga ng pampublikong pondo ay dapat dumaan sa mahigpit na pagsusuri at may sapat na dokumentasyon upang matiyak ang transparency at pananagutan sa paggamit ng pera ng bayan.

Matatandaang naglabas ang COA ng Notice of Disallowance noong Agosto 8, 2024 laban sa confidential expenses ng OVP na nagkakahalaga ng P73.287 milyon. Pinagtibay ito ng komisyon sa desisyon noong Abril 10, 2026 at sa pinakahuling resolusyon ay naging pinal at executory na ang disallowance.

COA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with