^

Bansa

Seguridad sa Undas ikinakasa na ng PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinakasa na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang ipatutupad na seguridad kaugnay ng paggunita sa Undas sa Nobyembre 1.

Ayon kay PNP Spokes­man Chief Supt.Generoso Cerbo Jr., nais ng PNP na matiyak na magiging maayos at mapayapa ang paggunita sa tradisyunal na Undas kung saan inaasa­hang bubuhos na naman ang milyun-milyong mga katao sa mga semen­teryo.

Partikular na mahigpit na babantayan ay ang mga naglalakihang sementeryo sa Metro Manila na kinabibilangan ng Loyola Memorial Park sa Marikina City, North Ceme­tery sa Maynila, Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City, Manila South Cemetery at iba pa.

Sinabi ni Cerbo, mas pinaigting nila ang police visibility sa mga sementeryo upang matiyak ang kaligtasan ng mga magtutungo ritong mga mamamayan.

Inihayag din ni Cerbo na magkakaroon din ng “contingency force” para sa mga pasaherong uuwi ng probinsiya sa panahon ng Undas.

Muli ring pinaalala­hanan ni Cerbo ang publiko na iwasan ang pagdadala ng mga patalim, nakalalasing na inumin, baraha at paglalaro ng saranggola sa loob ng mga sementeryo.

Nagbabala rin si Cerbo sa mga residente sa Metro Manila na  magsisiuwi sa kani-kanilang mga probinsiya laban sa mga masasamang loob tulad ng mga Akyat Bahay gang na posibleng magsamantala sa  nasabing okasyon.

 

vuukle comment

AKYAT BAHAY

CERBO

CHIEF SUPT

GENEROSO CERBO JR.

LOYOLA MEMORIAL PARK

MANILA MEMORIAL PARK

MANILA SOUTH CEMETERY

METRO MANILA

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with