Patawarin at palayain ang sarili
Mayroon pa lang ‘Global Forgiveness Day’ na ipinagdiriwang na ginagawa ito upang magkaroon ng pagkakataong makapag-usap patungkol sa pagpapatawad. Hindi lamang ang pagpapatawad sa iba, kundi ang basic na concept na matutunan na magbigay at manghingi ng kapatawaran kahit sa murang edad.
Ganundin kung paano patawarin ang sarili. Ibig sabihin ang konsepto ng pagpapatawad na nanggagaling mismo sa kalooban ng puso. Sambitin nang malakas na “pinapatawad ko na ang sarili ko” na maging specific ng forgiveness gaya ng kung guilty na walang pasensya, natatakot, nahihiya, kinikimkim na galit, at iba pang nararamdaman.
‘Di ba kahit sino ay worthy ng forgiveness lalo na ikaw mismo upang magkaroong ng kalayaan ang sarili. Maaaring hindi agaran o overtime, pero kailangang patuloy na pakawalan ang sarili sa tanikala ng pakiramdam ng pagiging unworthy, nakalipas na pagkakamali, o kasalanan na na-built up na sa maraming taon. Payagan ang sarili na magkaroon ng confidence at kalayaan mula sa takot o anxiety. Kung paano napapatawad ang ibang tao nang maayos na paraan na hindi sila hinuhusgahan at binibigyan ng pagkakataon, dapat na magkaroon ng compassion para rin sa sarili. Higit na bigyan ng gift of forgiveness ang sarili. Sa pagbibigay ng love at peace sa sarili ay mas madali itong i-share sa buong mundo.
- Latest



















