^

Para Malibang

Marital symptoms na kailangan nang magamot

Pang-masa

Kadalasan hindi tayo nagpupunta sa doktor kahit may sakit. Pero dinadala natin ang anak kapag may ear infection na at iba pang karamdaman gaya ng kung may beke ang bata.

Sa maikling panahon, ang ginagawa ng magulang ay nag-iisip ng mga DIY na antibiotic na inaakalang hindi na kailangang ng doktor dahil ang katawan nga naman ay naghihilom ng kusa sa mga simpleng sintomas na nararanasan.

Saka na lamang pupunta sa doktor kapag hindi na kaya ang nararamdaman o kapag malala na. Kung hanggang kailan na lamang napapagod sa pagkakaroon ng mga samu’t saring sakit na iniinda.

Napipilitan nang sumugod sa ospital. Pagpasok sa ospital ay nakikita ang mga nakaputing nurses at doktor na parang mga nasa battle field sa pagsugpo sa mga sakit. Hanggang bigyan ka ng malakas na gamot upang ma-manage ang sakit na lumalala na pala.

Ganyan din minsan ang relasyon ng mag-asawa. Pilit na nilulunasan ang mga isyu nina mister at misis bago pa sana lumala ang away ng dalawa.

Sa marriage importante ang aminin ang problema. Hindi dahil sa ‘di na mahal si misis, ang totoo ay lumayo na sa vow na unang pangako sa harap ng altar na magsasama sa hirap at ginhawa. Lumayo na rin sa Panginoon kaya ang puso ay nagsimula nang manlamig na nagreresulta na rin parusahan si misis o mister.

Huwag hayaan ang intimacy at communication ay masira sa mag-asawa. Baka kailangan na ng gamot upang maibalik ang healthy na pagsasama at mapunuan ang pangangailangan ng bawat isa.

Huwag mahiyang magpakonsulta mula sa doktor na ang Diyos mismo ang Physician dapat ng mag-asawa. Upang simulan na mabigyan ng lunas ang marital symptoms mula sa mga pusong parehong hindi nakaangka sa Panginoon.

EAR INFECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with