^

Para Malibang

Tips sa paglilinis ng ‘stuffed animals’

HAYUP SA GALING - Pang-masa

Masarap yakap-ya­kapin, at laging katabi sa pagtulog ng ating mga chikiting ang stuffed toys. Kaya nga lang, hindi maiwasang hindi ito marumihan. Maaari itong matapunan ng pagkain, tubig, at malaglag sa suluk-sulok ng bahay. Narito ang ilang tips kung paano malilinisan ang mga laruan:

Cornstarch - Lagyan ng kaunting cornstarch ang stuffed animal toy. Iba­bad ito sa loob ng limang minuto at saka i-brusjh para matanggal ang powder. Pwede ring ilagay ang stuffed animal toy sa loob ng bag at saka lagyan ng cornstarch at saka alugin.

Pillowcase/Punda -

Ilagay ang stuffed animal toy sa loob ng punda bago sila ilagay sa washing machine. Makatutulong ang punda para hindi ma-damage ang stuffed toy ng inyong mga anak/kapatid/apo.

Medyas - Uso ring pang­regalo at giveaways ang maliliit na laruan. Ngunit dahil sa katagalan, tiyak na naaalikabukan din sila. Katunayan, mas madali silang marumihan. Tulad din ng paggamit sa punda ang paraan ng paglilinis sa mga ito.

Handwash - Wala nang mas epektibo pa sa paggamit ng kamay sa paglilinis ng mga laruan ng inyong mahal sa buhay, kaya nga lang matagal itong matuyo kapag hindi ginamitan ng dryer. Siguraduhin lang na labhan ito gamit ang angkop na sabon at patuyuin sa araw.

STUFFED ANIMALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with