^

Para Malibang

Island of the Undead 30

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HOY, mga kapwa ko pangit na Undead, nasa tapat tayo ng karagatan! Ano kaya, mag-dive muna tayo?” nagbibirong sabi ni Bangekgek.

Natawa sina Timbongbong at Kurikongkong. “Sige, basta  ba mauna ka! Parepareho lang naman tayong allergic maligo!”

“Ha-ha-haa!” tawanan nilang tatlo.

Pero ewan kung biniro sila ni Satanas, biglang nag-dive  papuntang dagat ang karuwaheng lumilipad!

“Eeeeee!  Aaaahhh!” tili-sigaw ng tatlong Undead. Super ang takot na kanilang  naramdaman.

Tuluy-tuloy pa rin ang pagbulusok ng karuwahe, obvious na hindi mapigil ng kabayong lumilipad!

Ilang saglit na lang ang layo nila sa tubig ng napakalalim na dagat.

SPLASSSH!

Bumulusok, sumisid na nga sa ilalim ng katubigan ang karuwahe, kabayo at tatlong Undead.

NOON naalarma ang reyna ng Undead Island. Nakatutok ito sa kanyang bolang kristal, nasasaksihan ang nagaganap sa tatlong tauhan.

Kung gaano ang bilis ng pagbulusok ay siya ring bilis ng paglutang sa ibabaw ng dagat.

SWAAALPPS.

Buung-buong pumaibabaw uli ang karuwaheng hila ng kabayong may mga pakpak, kasama pa rin ang tatlong Undead.

“HATSIIINNG! HAA-AATSUWANGG! ACHOOO!”  Halos sabay-sabay na nagbahin ang tatlong super-pangit.

Humigit-kumulang ay alam nina Miley at Blizzard ang nagaganap.

Pero iba ang conCern ng dalaga—kung paano makakatakas.

“Reyna Coreana, kailangang kalagan mo muna kami ng boyfriend ko ngayundin! Right now! Kundi’y magsisisi ka!”

“Ano’ng ibig mong sabihin, hamak na tao?”

“Kailangan naming magwiwi at magbawas sa comfort room! Otherwise, mangangamoy dito!”

Kinilabutan ang reyna. Noong ordinaryong tao pa siya, naranasan na niya kung paano hilaban ng tiyan at sakitan ng pantog. (ITUTULOY)

         

vuukle comment

AAAAHHH

ACIRC

ANG

ANO

BANGEKGEK

BUMULUSOK

BUUNG

NBSP

PERO

REYNA COREANA

UNDEAD ISLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with