^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (12)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAMUMRUBLEMA nang husto sina Sofia at Almario. Dalawang beses na nilang napatunayan na ngumatngat-kumain si Tatiana ng mga bagay-bagay.

Ang una’y nang ngalutin ni Tatiana ang poste ng crib nito.

Ang pangalawa at pinakabago ay ang pagngat­ngat ng bata sa suot ng sakristan ni Father Melvin.

“Almario, kahit sabihin ng lahat na monster si Tatiana, hindi ko siya puwedeng iabandona. Magsasama kami ng anak ko sa pagdurusa.” Kita ang tatag ng paninindigan ni Sofia bilang ina.

“K-kung saan ka maligaya, Sofia. Narito lang ako, hindi kita ia-abandon”.

Pero hindi talaga siya didikit kay Tatiana, sa loob-loob ni Almario.

“Huwag mo lang kalimutan na bagay-bagay lang ang kinakain ni Tatiana, Almario. Hindi kakain ng tao ang anak ko kailanman.”

Napabuntunghininga ang ama ng tahanan. “Sana nga ay tama ka, Sofia.”

Nanlumo si Sofia nang maalala ang binyag ng bata. “Akala ko pa naman, matapos nating pabinyagan si Tatiana—mapapaalis na ang pagka-monster niya.”

“Mommy... gusto ko dede...”  Muli’y nagsalita ang batang wala pang one-week old,  hindi pa dapat nakapagsasalita.

Kinalong ito ni Sofia, pinasuso sa masaganang dibdib. Marami siyang gatas.

Naalala ni Almario nang minsang napa­dede niya ng cow’s milk si Tatiana. Nagsuka ito, nagpalahaw nang iyak.

Sa loob-loob ni Almario, galit sa gatas ng baka si Tatiana. Hindi pala nila dapat ipasyal sa kanilang bakahan sa probinsiya ang bata. Baka bigla na lang nitong kainin nang buhay ang baka.

Nabanggit niya noon kay Sofia ang posibilidad na ito.

“Kaya huwag ta­yong magkamaling ipasyal sa bakahan natin ang anak mo.”

Iyon ang pagkakamali ni Almario, nalimutang kontrapelo lagi ang misis; sumasalungat sa lahat niyang gusto.

“Mahirap ‘yang basta ako maniwala sa iyo, Almario. Bukas na bukas, papasyal tayo sa ating bakahan.”

“Nalintek,” sa loob-loob ni Almario.

Minsan pang nanaig ang gusto ng Reyna ng Tahanan; nang sumunod na araw ay nasa bakahan na silang mag-anak.

Patuloy ang mabilis na development ng batang anak ng taga-ibang planeta. Nakatatakbo na si Tatiana nang mabilis, matatag.

Biglang nanghabol ng baka si Tatiana! (ITUTULOY)

vuukle comment

ALMARIO

BIGLANG

BUKAS

DALAWANG

FATHER MELVIN

NANG

SOFIA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with