^

Para Malibang

Isang milyong pisong kilabot (25)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“NARINIG mo, Mr. Caluycoy? Kami ni Paula ang nanalo ng Isang Milyon! Ibigay mo sa amin ang panalo ngayundin!” galit na galit na utos ni Socrates sa milyonaryong ngising aso.

 Galit na galit din si Paula, matalim ang titig kay Caluycoy.

  “Hoy, mag-asawang ulul, wala tayong kontratang valid, kaya pinilas-pilas ko na. Kayo naman ay walang kopya dahil ipapanotaryo pa sa notary-public. At dahil hindi ko pa naipanotaryo, e di walang bisa pa ang kontrata kuno, wala pang public record na katibayang nagkaroon tayo ng transaksyon.

Kung gano’n, ulul na mag-asawa, wala tayong kontratang pinag-uusapan. Kaya hindi n’yo ako mapipilit na magbigay ng Isang Milyon!” napakahabang depensa ng tusong milyonaryo.

 â€œMandaraya! Dinaya mo talaga kami! Mapapatay kita!” Inambaan na  ni Socrates ng suntok si Caluycoy.

  Ilag agad ito. “Teka, teka, huwag kang matapang, kaibigan. Ngayundin may ibibigay akong premyong mas malaki sa Isang Milyon. Just a minute, okay?”

 Nagkatinginan ang mag-asawa. Nakuha ba nila sa yanigan si Caluycoy? Ibibigay din pala ang premyo?

Tinawag ni Caluycoy ang bodyguard. “Apeng, ibigay nga sa akin si Panyero, dali.”

Agad namang naibigay ng tauhan. “Heto na po si Panyero, bossing.”

 Baril pala si Panyero, yanig ang mag-asawa.

 â€œO, heto na ang premyong higit sa Isang Milyon. Ilang bala sa ulo ang ilalagay ko?”

 Naunahan na ng takot sa kamatayan sina Paula at Socrates, hindi maitago ang nginig.

  “Bayaan mo na, Socrates, kawawa ang dalawang bata kapag ngayon tayo namatay .”

  “Babalikan kita, Mr. Caluycoy. Tandaan mo.”

 â€œTeka-teka, alam mo bang  payag  si Paula na paangkin sa akin?”

“Hoy, ulul na matandang binata, mag-ilusyon ka sa wala!” sigaw ni  Paula. “Tara na, Socrates!”

TAKA si Caluycoy. Bakit parang kulang bigla ang paghahangad ng mag-asawa sa Isang Milyon?

“May misteryo bang hindi ko alam?” (ABANGAN)

vuukle comment

APENG

BABALIKAN

CALUYCOY

ISANG MILYON

MR. CALUYCOY

PANYERO

PAULA

TEKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with