^

Para Malibang

Iniwan ni misis

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Mike. Noon po ay isa akong simpleng obrero na naghahangad na makaahon sa hirap. Naging inspirasyon ko sa aking pangarap si “Lira”, isang kahera sa bakery. Matapos ang 2 taong panunuyo, nagpakasal siya sa akin at nagkaanak kami. Sa labis na kaligayahan inakala ko na wala itong katapusan. Hanggang sa isang pagsubok ang nagpabago ng lahat. Hiniling ni Lira na makapagtrabaho siyang muli. Simula nang ikasal kasi kami ay pinahinto ko na siya. Hindi ko siya pinayagan dahil ayaw kong umalis siya at mangibang bansa. Pero hindi niya ako sinunod. Makailang ulit siyang naglayas at iniwan ang aming anak sa kanyang ina. Noong una, nalaman ko na nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang karinderya. Pero nang lumaon tuluyan na siyang nawala at nabalitaan ko na lang na sumama na sa ibang lalaki. Hindi ko kinaya ang lahat kaya napa-trouble ako at nakulong. Pero ngayong nasa laya na ako, hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ng misis ko.

Dear Mike,

Mahirap tanggapin ang katotohanan na ang babaeng minahal mo ay nagbago ng kalooban. Maaaring nabigo siya sa kanyang mga inaasahan sa buhay o kaya’y hindi nasisiyahan sa kanyang kalagayan lalo pa nga’t mula sa dati siyang nagtatrabaho ay napako na siya sa bahay. Hindi mo siya pinayagang mag-abroad para magtrabaho kaya nagrebelde siya. Pero hindi naman dapat na naglayas siya at inabandona ka. Nangyari na yan at huwag mo nang sisihin ang sarili sa paglayas ng iyong asawa. Kulang siya ng pagmamahal at respeto sa iyo. Kung mayroon siyang damdaming ina at asawa hindi niya gagawin ito sa’yo. Ang asikasuhin mo ay ang pagpapakabuti upang hindi na muling masadlak pa sa trouble. Paunlarin mo ang sarili at asikasuhin ang iyong anak. Matutuhan mo na ring patawarin ang iyong asawa at magsimulang muli.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR MIKE

DEAR VANEZZA

HANGGANG

HINILING

MAAARING

MAHIRAP

MAKAILANG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with